RSS

Tagumpay nating lahat!

24 Feb

Nagsimula sa Munting Pangarap ang lahat. Pangarap na umunlad ang bansang Pilipinas. Pangarap na ang bawat Pilipino eh anim na Beses kumain isang araw (Char!) . Pangarap na kaligayahan sa bawat isa. Pangarap na darating ang panahon na sasabihan ako ng crush ko na, “Halika Picture naman tayo!” Boom! Pak! Kerekere lang! Ay sorry! Nadadala ako mashado ng kilig… Pero eto Seryoso na. Ehem.

Hanggang ngayon eh gulat pa din ako sa mga kaganapan noong lunes sa Runrio Triology Awards Night (Congrats nga pala sa mga nakakumpleto ng Trilogy ( 21K – 21K – 32K ) )   . Gulat kasi hindi ko akalain na ang ang pagsagot, pag commento at ang pagbabahagi ng aking sarili ay maghahatid saakin ng karangalan! Oo! Cheng! Nanalo tayo! Blogger of the Year! Um! Boom badoom boom boom badoom boom bass Yeah That’s that Super Bass! O Apir!

At dahil gulat nga ako shempre di ako mashadong nakapag handa at nakapag speech. But Nwei.. Since para saating lahat ang Award na to! Oo meaning ikaw, ako, tayong mga Pilipino hatihati tayo sa Karangalang ito…  pwede mo ding ilagay sa Status mo na, “Yehey! Blogger of the Year ako!” At shempre Ililike ko yan para maniwala sila na bahagi ka ng tagumpay!!  Pero bago mo gawin yan eh hayaan mo akong pasalamat kayong lahat!

Kung nakapaghanda ako ng konti… Ganito sana ang magaganap!

Host:   ( Click mo para may effect ) And This Year’s Blogger of the Year goes to …………. Ulik Blog Runner! 

Dahandahan akong tatayo sa aking kina uupuan… tapos dapat medyo gulat na parang naluluha sa tuwa… yung tipong hindi maintindihan kung masaya o kung ano man ang nararamdaman… tapos shempre wag kalimutan na baka makunan ka ng mga cameraman na super close up kaya dapat may nakaantabay na luha sa mata mo… yung tipong pagnafocus sayo ang camera eh bigla nalang tutulo ang luha na parang naiyak ka sa galak…  tapos habang naglalakad patungo sa stage… titingin tingin ka sa paligid… habang kinakawayan ang mga tao… oops! don’t forget to make kaway lalo na sa mga tao sa taas, sa baba… sa kanan… tapos mag turo ka ng tao sa kaliwa… ( kahit sino pwede) tapos kaway uli… basta tandaan mo dapat graceful ang pagakyat sa stage…

pag dating sa stage dapat nandun pa din ang facial expression mo ah… yung gulasya look.. tapos magtuturo ka ng tao sa malayo… sabay yung labi mo eh dapat mag sabi ng “Thank You!” o kaya “I Love You” tapos shempre kaway kaway ng konti.. tapos tingin sa itaas bago tanggapin ang Tropeyo! O effect diba… subukan mong gawin ang saya kaya… ha ha ha basta wait eto na ang speech ko.

Ulik blog Runner: Mic Test. (Sniff) Maraming Maraming Salamat! (Punas ng Luha) Unang una sa lahat … Nais kong pasalamatan ang Poong May Kapal (tingin sa taas! sabay flying kiss)  sa buhay na patuloy nyang pinapahiram saakin. Sa aking mga kapamilya, sa suporta at sa pagmamahal na naibabahagi ko sa iba.Sa aking mga kaibigan (kay Gian at Bebang at sa buong NBH), sa walang sawang pagsama saakin sa twing ako’y nalulungkot at masaya. Sa aking Ex , na nagbigay saakin ng lakas ng loob na simulan at ang unang sumuporta sa blog na ito.

from I am Biloggirl album. Thank You Jen!

 Sa mga kapwa ko blogger na naging kaibigan ko na din , Kay Madam Vimz, Kay Eman, Kay Rain at Kay James ang mga taong naging bahagi ng aking paglago. At sa iba pang mga bloggers na sina Gigi, Let, Bards, Jaimie, Jenny, Dennis R., Bee,  Bobby, Ibet, Jet, Rod, Daves, Noel, CJ, Thirdy, Daddy Rene, Carina, Marga, Bro J at sa mga iba pa . Sa pagbabahagi ng inyong kaalaman saakin.

Snail Runners Alabang and Team USB

Sa Snail Runners Alabang at sa Team USB. Sa patuloy nyong pag supporta sa aking mga ginagawa.  Kay Deng, Rachelle, Toel at Te ang mga taong walang sawang kumakausap sakin.  Kay Ate Vangie sa napakaganda mong Kanta. Kay Coach Rio, Sir Angelo, Ms. Dada, Sir Athan, Sir Jomar, Sir Jun, Ms. Lou at sa mga Angels (Taray! Parang Victoria Secret Angels lang! Justine, Jamaica, Ms. Abby at Nicole ) para sa paggawa nyo ng mga races na maipagmamalaki sa buong mundo.

Sa mga taong naging aking inspirasyon. Sa mga taong nauna ang bibig bago ang isip. Sa mga taong nagparatang ng hindi muna nagsaliksik. Sa mga taong nagalit. Sa mga taong patuloy na nagagalit. Sa mga taong hanggang ngayon eh galit na galit pa din. Maraming maraming salamat dahil binigyan nyo ako ng pagkakataon na hanapin ang bahaghari sa bawas unos na inyong hatid. Salamat dahil inilabas nyo ang tunay na Juan Dela Cruz sa bawat Pilipino. Salamat dahil sa bawat batong inyong ibinabato eh natututo ang bawat Juan Dela Cruz na manindigan, magpatawad at gamitin ang bawat pagkakataon na maipakita sa buong mundo ang pagiging tunay na Pilipino. Ang Pilipinong may Paninindigan. Ang Pilipinong Masya at Higit sa lahat ang Pilipinong may pagmamahal sa kapwa. At sa mga tao sa likod ng Parangal na ito.. Marming Maraming Salamat. Mabuhay tayong lahat!

Ay taray ng speech! Pang Best Actor ang dating diba! Chos! Pero Salamat talaga sa lahat. Sana wag kayong magsawang magbasa, mag LIKE, mag Share, mag Tweet at mag Retweet ah!

At alam kong di makukumpleto ang post na ito ng walang Music… O sha! Play Music!

Namaste!

 

About ulikblogrunner

Pinanganak na Mestizo... Ngunit habang humahaba ang tinatagal ko sa mundo... lalong nagiging kulay Pilipino... Opo Pilipino po ako... Sa Isip... Sa Salita... at sa Kulay...
13 Comments

Posted by on February 24, 2012 in Uncategorized

 

Tags: , , , , ,

13 Responses to Tagumpay nating lahat!

  1. Thirdy

    February 24, 2012 at 12:09 pm

    IKAW NA, Ulik Runner! IKAW NA!

     
  2. barefootdaves

    February 24, 2012 at 2:12 pm

    congrats banjo! :)

     
  3. dhenztm

    February 24, 2012 at 2:30 pm

    Congrats! Achieve an achieve!

     
  4. runadoboking

    February 24, 2012 at 4:50 pm

    congrats banjo!

    wow bagong theme at lay out! :D

     
  5. Ed Escueta

    February 24, 2012 at 7:18 pm

    Hindi na ako magtataka kung bakit….
    This blog is one of kind, very entertaining and filled with HUMOR!

    At gaya ng ibang bloggers na may #respect sa kapwa nila runners and bloggers,
    You earned my #respect!

    Pwede ko nang gawing dot com ang blog na to for free! (joke lang) ^.^

    Congratulations!

     
  6. deemenrunner (Noel Camarillo)

    February 24, 2012 at 7:48 pm

    nalungkot ako dahil wala ako sa list ng bloggers. :’(

     
    • ulikblogrunner

      February 27, 2012 at 2:20 pm

      anong wala?! kumpleto kaya yun! ha ha ha !

       
  7. ang pambansang legs

    February 24, 2012 at 8:50 pm

    so proud of you! :) hindi ka kasi linga! :)

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 598 other followers