RSS

Sabay tayo! Gusto mo?! The Update…

09 Sep

Nalipat na siguro sayo ang amoy ng katabi mo… Basang basa na siguro ang dri – fit mong suot… Namumulikat ka na sa tagal mong nakatayo sa pagreregister sa Nike We Run Manila 2011 .

At dahil dyan dinagdagan pa nila ang lugar kung saan ka maaring magregister! Tama! Hindi ka nagkamali ng basa! Kaya para sa mga kaibigan mong hindi pa nakakaregister maari na kayong mag register simula 11 ng Umaga hanggang 8 ng Gabi ARAW – ARAW (meaning Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday, Holiday, Rest Day, Pay Day, lahat ng may DAY kahit Bad Day, Happy Day, Gloomy Day, Sunny Day.) sa mga Sumusunod na suking tindahan:

  • Nike Stadium ATC
  • Nike Park Greenbelt 3
  • Nike Forum Greenhills
  • Toby’s Arena Shangri-la
  • Nike Stadium Power Plant Mall
At kung nabasa nyo ang pacontest ko sa Inay ng Blog na ito. Eh malamang makakarelate kayo sa hirap na anking naranasan para mapili ang Mapalad at Karapat dapat na aking makasama. Para akong namili ng matamis na Mangga sa isang kain ng Hinog na Mangga.. o Mamili ng buhay na kuko saaking paa.. sadyang napakahirap.. sadyang nakakahilo… o ang puso.. nagdurugo…nalilito kung sino kaya … sino kaya ang pipiliin at gagawin kong buddy… buddy kong tunay!
(hmm… aminin mo napakanta ka! ) Tinawag ko na ang DTI, DOH, Philippine Sports Commission at ang Department of Justice upang tulungan ako sa pamimili… at dahil dyan nagkasundo lahat sila… pati ang mga bituwin sa langit at ang mga bituwin ng Pelikulang Pilipino eh sha ang napili. At ang nagwagi…
hmmp….
ako nalang po!!!
simula ng na-injure ako, matagal-tagal na rin akong hindi nakakatakbo sa race. Nais ko na subukan ulit ang 10k. Ngunit nangangamba ako na hindi ito matapos kaya magiging maigi sana kung meron akong makakasama. :P :P:P – Smile Chacha
para kay Smile Chacha. Antayin ang aking email. Sa mga sumali… may susunod pa… wag mawalan ng pagasa… may kasabihan nga… wag magsawang tumaya sa lotto dahil hindi mo alam baka ang numero mo na ang mabunot sa bola!
Namaste!
Advertisements
 
2 mga puna

Posted by sa Setyembre 9, 2011 in Invitation, Race, Running, Uncategorized

 

Mga kataga , , , , ,

2 responses to “Sabay tayo! Gusto mo?! The Update…

  1. HuggingFit Mum

    Setyembre 9, 2011 at 7:49 hapon

    Hahahahhahaha.. AY LUV IT! 😀

     
  2. smile chacha

    Setyembre 12, 2011 at 7:01 hapon

    kapatid… salamat!!! medyo na praning ako nong nabasa ko message mo (panik!!!)…. baka nga sign na ito na kailangan ko ng mag training ulit… kasi as in hindi na ako natakbo ever!!!

     

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: