RSS

Ooops… Buti nalang ! (Ulikblog’s RU1 Experience)

12 Mar

Ales 3 na ng umaga ng idilat ko ang aking mata at buksan ang aking diwa sa mga bagay bagay… Ginalaw galaw ang mga daliri sa paa… Huminga ng malalim sabay sabi… First Leg nga pala ngayon ng Unilab Trilogy…

Nanibago ako kasi napakaaga nga pala ng Gun Start ngayon…  Dati kasi alas 5 pa nagsisimula ang mga takbo eh dahil sa Global Warming na sinamahan pa ng mga taong puros sama ng loob ang hatid eh di shempre kailangang iadjust ang Gunstart para di mashadong mainit… hello?! mahirap na pag nadamage ang mala porselana’t kulay uling kong kutis! joke!

from Running Enthusiast

Matapos maligo… at Magbihis… Eh nagtungo na ako sa BGC… ( dun kasi magsisimula ang 21KM runners )  Wah! … nagulat ako nilipat na ba ang Event ng Unilab?! … sa dami ng 21K Runners eh akala ko eh yun na lahat ng nagregister! Chos! Pero totoo ang daming tao!

thanks Running Enthusiast for the Pictures!

Gaya ng karamihan iniwan ko ang gamit ko sa Isang Bus. Ito daw kasi ang magdadala ng gamit namin sa MOA.

Miss sa Bus: Ser may cellphone ? Wallet? Pera? Laptop?

Me: (Medyo natulala di ko kasi alam kung ano ang una kong sasagutin) May cellphone at Pera!

Miss sa Bus:  Ser patingin po muna bago niyo iiwan samin!

Me: Eto oh! Nako Pink yang housing ko ah! Bakit gusto mo makita?!

Miss sa Bus: Para makasigurado lang po tayo ser! Lalagyan kasi namin ng tape yung mga zipper nyan!

Me: Ahh… Ang galing ah! Sigurista!

Miss sa Bus: O Bag! May Valuables dyan ah!

Baggage Counter: Check!

10 … 9… 8… 7… 4… 3… 2… 1… ( Sorry ah! Nahihirapan kasi ako mag countdown! ) EEEEEEEE…. Simula na ang 21KM na takbo… Wala pang 1 KM may nakita agad akong water station na dinumog ng mga runners… After 1 KM may Water station nanaman na dinumog uli ng mga runners… Hindi ko na halos alam kung ilang water station ba talaga ang nadaanan ko… basta maya’t maya may nadadaanan akong nagbibigay ng Malamig na Powerade at Viva Mineral Water…

Race Route at Hydration Stations: Check na Check!

Pagkatawid sa Finsih Line eh may nagsabit agad saakin ng Medalya! Iba kaya ang feeling na sasabitan ka ng medalya pagkatawid mo… Ooops… He he he… Tapos nagtungo agad ako sa Active Health Expo… Shempre naintriga naman ako sa lugar at nakiusisa… Eh yun naman pala pag sinabi mong EXPO… Shempre UNILAB yan! wahahah! Maliban sa kuhanan ng mga Finishers Kit… Napaka daming maaring gawin sa loob ng UNILAB Active Health Expo… May Photobooth… Ay Photobooths…. ay Photoboothsssssss pala! sobrang dami kasi! Tapos Meron pang Lugar na kung saan pwede mong ibabad sa yelo ang paa mo! Tapos may Bihisan pa na may libreng Moisturizer , Lotion at Pangmumog, Tapos may Cheerdance Competition pa… Eh parang tinalo pa ang Luneta sa dami mong pwedeng gawin sa loob ng Unilab Active Health Expo…

Post Race Event: Check! Check! Check!

Well maliban sa mga taong dumumog nanaman sa mga baggage counter at sa mga nangabuso sa kakulangan ng kahigpitan sa pagkuha ng Race Kit eh wala naman akong Reklamo sa RU 1. Ang akin lang eh… Hoy! Gising! Imbes na umangat ang estado ng Pilipinas eh may mga tao pa ding sadyang nagbubulagbulagan… nagpapakamanhid at nagpapakatanga na pinipili pading makalamang sa iba! Disiplina naman mga chong! Ano ba naman ang mag intay ng konti sa pila upang lahat eh makuha ang gamit ng maayos… Ano ba naman yung makuntetnto na sa isang loot bag na nakuha… Kung ang basehan nyo ng registration fee eh ang laman ng loot bag eh baka kailangan mong baguhin ang pananaw mo… dahil para saakin… ang ngiti… ang medalya… at ang bagong Ako na nabubuo sa twing ako’y makakatapos ng 21K eh hindi maaring tapatan ng kahit na anong salapi… Ika nga ng isang credit card… There are some things Money can’t buy! – Char! English yan ah!

But nwei! Buti nalang… Hindi ako nagpadala sa iba! Kita kits sa Run United 2!

Namaste!

Advertisements
 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Marso 12, 2012 in Race, Report, Running, Uncategorized

 

Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: