RSS

Ano nga ba ang Habol mo?

30 Jul

Simulan natin ang ating heart 2 heart na paguusap mula sa Video na nakita ko sa facebook ng nagiisang Pambansang Legs! O ready.. PLAY!!!! Ay wait! kelangan mo pala ng tissue at ng tubig kung medyo malalim ang iyong luha… at ng Good Morning Towel para naman sa Mabababaw ang luha… o sha… Game na! PLAY!

Ikaw ano nga ba ang habol mo?

Sa buhay na to.. sadyang madaming bagay ang ating hinahabol… tulad ng deadline ng report mo sa trabaho o sa eskwela … ang babae/lalaking crush mo.. o minsan yung X na hanggang ngayon eh di mo pa din matanggap na di ka na nya mahal. #charaught Pero seriously ano nga ba ang dahilan ng iyong pagtakbo? o ng inyong pagsali sa isang fun run?

Kahapon eh naganap ang pinakamalaking patakbo sa Maynila… ang 36th Milo Marathon Manila Eliminations… Halohalong tao ang dumalo… Nandyan ang mga Estudyante… Ang mga Nanay… Ang mga mananakbong tumatakbo para makatulong… at shempre ang mga mananakbong Charaugt-era… Nega… at Bitter na walang ginawa… ay may ginawa pala.. tumakbo pala muna sila bago nag complain ng wala sa lugar… he he he ayan.. mas malinaw!

Pero eto seryosong usapan lang… Ano nga ba ang dahilan ng iyong pagtakbo o pagsali sa isang race? Kung ang loot bag ang dahilan ng iyong pagsali… Sana eh sa Grocery ka nalang nag punta… mapipili mo pa ang bibilihin mo sa perang ipangreregistro mo… Kung ang ganda o laki ng medalya ang iyong dahilan.. Eh marahil kailangan mong huminto… magisip at baguhin ang iyong panananaw dahil dadating ang panahon na masasawa at dadagdag ka lang din sa mga taong walang gagawin kundi ang mag complain ng mag complain… bawat medalya eh dapat pinaghihirapan… mapa finisher’s medal yan… o podium medal… lahat ng ito eh may kaagapay na training at pagsasakripisyo… kaya kung di ka nakakuha o di ka umabot sa mapapalad na nagkaroon ng Finisher’s Medal… eh “Sorry, Better Luck next Time… kulang ka pa siguro sa ensayo.”  kung High-Resolution Picture naman ang habol mo… eh mukang mali ka ng nasalihan… mas maganda sigurong mag punta ka nalang sa isang Studio at mag hire ng sarili mong Photographer ng makuhanan ka ng High-Res Image habang natakbo. Kung Premium Services naman ang hanap mo… eh siguraduhing kaya mo ang Premium payment… iilan lang naman ang mga Race Organizer na pinagsasamantalahan ang kainitan ng pagtakbo sa Pilipinas… kung AKO naman ang dahilan ng iyong pagtakbo… eh… ummm… eeeeeeee…. ahhhhhhh… kasi naman eh….. eeeeeeeeeee… text mo nalang ako… #charaught #kilig #kerekere oooops joke lang.. pero sana… sa tuwing sinusulat natin ang ating pangalan sa registration form… habang nilalabas nating ang pambayad natin sa mga race na ating napiling salihan… eh sana mahanap natin sa ating mga puso ang masmalalim na dahilan kung bakit tayo sumasali… at sana hindi natin ibase ang tagumpay ng isang Race sa mga handog nitong Bonus.. kundi ang bagong IKAW na nabuo sa paghahanda at sa pag takbo sa event na iyong sinalihan… dahil ang taong marunong magisip… taong umiintindi… taong nabago at nahubog ng panahon eh mas mahalaga kesa sa tansong isinasabit sa iyong leeg.

Gaya ni Mang Felix… Sana hindi tayo magsawang tumakbo… at hayaang humlmahin ng panahon!

Namaste!

Advertisements
 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Hulyo 30, 2012 in Uncategorized

 

Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: