RSS

Run United 3: A-W-E-S-O-M-E!

18 Sep

Sa wakas! Nakumpleto na ang Pizza Pie Medal ! Wohoo! Ang sarap ng feeling makuha ang ikatlong piraso ng Bertud na naghanda sa iyong sarili para sa nalalapit na Philippine Marathon… taray! Bertud talaga diba!

Nwei… gusto ko lang ibahagi ang sarili kong papanaw, kurokuro, litanya o ano mang gusto mong itawag sa isusulat ko tungkol sa kakatapos na Run United 3 na inihandog ng Unilab at ng RunRio… Sabi ko nga… it was A-W-E-S-O-M-E o let’s start…

A – frodistance

Bahagi talaga ng Isang Marathon Training ang pagtakbo ng 32KM pero para makabilang ito sa isang Race Event eh sadyang napakasaya talaga! Imagine nakapag training ka na… may Hydration… may Finisher’s Kit, may saging, may sponge at may mga Yummy ka pang kasabay sa routa! O diba! San pa ka?

W- aley ang mga Pasaway!

Nakakagigil lang ang mga taong nagtapon pa din sa kaldasa ng mga baso kahit na may MALALAKING BASURAHAN na sa dulo ng bawat Hydration Stations! Disiplina naman! Eh kung sa simpleng pagtatapon na nga lang eh Waley ka na… pati siguro sa buhay! Waley na Waley ka! Irita much!

E- xcited for 2013!

Suking Unilab ata ako kaya simula noong unang Run United hanggang ngayon eh present to noh… saksi ako sa mga pagbabago nito… Mula sa gawang staw na loop cord.. hanggang sa B-tag.. hanggang sa dumami na ang mga Nega-Runners lahat yan nasaksihan ko… Pero shempre excited lang ako sa 2013 kasi sigurado akong i-lelevel-up pa nila ang naka-level-up ng Race… Sana lang yung mga Nega dyan eh mabawasan na.

S- arap talaga tumakbo sa Ulan..

Di naman sa hindi ako sanay sa init. Pero iba talaga ang pakiramdam habang tumatakbo ka sa mala-usok na pagkapino ng ulan! Sarap! Lalo na nung dumating ako sa KM 30 tapos biglang umulan… Feeling ko eh parang shooting lang ng MTV eh! Yun nga lang… nababad ang paa ko sa tubig..

O – A. naman magreklamo!

Huy! Eh kung gawin kayang mala-marshal law ang isang race sa tingin mo ba eh mageenjoy ka pa? Pu*tek! reklamo ng reklamo! kala mo naman eh may kagandahan ka para mag reklamo! O sige sabihin na natin na may ganda ka sabi ng nanay mo pero bawal na ba mag sorry at magkamali! Pati mga larawang nakuhanan ng ibang tao papakialaman! Chosera!

M- mmmmmm Mala-Pistang Event Area!

Kabog na kabog talaga ang Event Area ng Run United 3. Una Sinakop nito ang buong parking. Ikalawa ang lalaki ng Photo Wall na kahit mag solo ka o buong barkada pa ang isama mo eh sakop na sakop ka pa din nito. Isama mo pa ang stretching area ng mga 3K runners na nag palagay pa ng yelo! Chos ko lang yun! he he he… Pero seriously… ito na yata ang may pinakamalaking Event Area na nakita ko… Pak na Pak yan!

E – wan ko sayo! Basta ako sasali pa din Next Year!

Di kita pipilitin na maniwala sa mga sinasabi ko. Basta ako… excited na ako sa 2013 kasi alam kong lelevel-up nanaman ang Runrio at Unilab sa darating na future.  Saka yung isang tao nga pala dyan na kung macacomment eh akala mo eh isang magaling na Race Organizer… eh… ” Ser! Gumawa ka muna ng Event na makakauha ka ng Runners na kasing level ng Race na binabatikos mo… Eh baka nga yung 500 Likes sa Facebook eh di mo pa na-rereach eh!” Boom!

Nwei highway. Kung sususmahin eh sadyang napakaganda naman talaga ng aking naging kranasan nung linggo. Hindi ko nga alam kung sadyang iisa lang ba talaga ang sinalihan nating Event o baka sa ibang race kayo nakasali kaya puro kayo reklamo. Ay wait! alam ko na! siguro sa Iisang Race nga lang talaga tayo sumali… sadyang magkaiba lang tayo ng charakter kaya magkaiba tayo ng reaksyon sa mga pangyayari. Naalala ko ang isang napakatalinhaggang kasabihan na ibinabahagi saaming paaralan noong elementarya ako na, “The End of Education is Character”  well malalim para sa kabataan pero siguro naman sa mga kagaya nating nakabayad na ng sarili nating Race Fee eh… maiintindihan natin ito. Hindi masamang mag reklamo. Hindi masamang magalit. Hindi masamang maghanap. Lahat naman eh hindi magiging masama kung hindi ito magiging sobra.

Sa bawat salitang ibinato natin sa kapwa natin. Mapa-papuri, pag batikos, o ano man.. sa facebook mo man ito idinaan o sa twitter o maski sa sarili mong blog… eh sadyang sumasalamin ito hindi sa paaraalang iyong pinanggalingan o sa estado ng edukasyon na iyong nakamit kundi sumasaliamin ito sa paraan ng Pagpapalaki sayo ng iyong magulang.

Sana bago ka nagpost, nag tweet o nag blog. Naisip mo ang masasabi ng iyong Inay na ipinagbuntis ka ng 9 na buwan sa kanyang sinapupunan, sana naitanong mo sa sarili mo.. ” Matutuwa kaya ang mga magulang ko pag nabasa nila ito?” kung sa iyong palagay eh nag dulot ka ng ngiti eh pwes saludo ako sayo.

Ah sha basta! Panatilihin nating positibo ang enerhiyang dumadaloy sa kumunidad ng mga mananakbo. Maging mapagmasid. Paging mapanuri. Maging Matang Lawin! Ooops! baka ma-plagiarism ako dito. Basta sana lang… Sa bawat karanasan natin sa buhay, maging masaya man ito o masalimuot, eh piliin pa din nating maging POSITIBO!

Namaste!

 
1 Comment

Posted by on September 18, 2012 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

One response to “Run United 3: A-W-E-S-O-M-E!

  1. AdriRun

    September 19, 2012 at 2:07 am

    wow, konbins na ako. sali ako next year hehehe

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: