RSS

Sariwa..

13 Nov

Play Music!

Sariwa pa ba sa iyong isipan ang una mong fun run? Sariwa pa ba sa iyong alaala sa una mong Marathon? Sariwa ka pa ba? Charaught! Joke lang yung huling question ah!

Nakakatuwa lang alalahanin ang nakaraan lalo na noong sariwang sariwa pa tayo sa mundong ating ginagalawan. Simple, Tahimik pero puno ng Saya. Gaya ng Music Video ng The Young and Famous ng kanilang kantang pinamagatang Young Blood, lahat tayo eh dumaan sa pagiging YOUNG BLOOD. Eto yung estado ng ating pagkatao na hinahabol tayo ng Team Edward kasi mainit init pa ang dugong nananalaytay sa dalisay nating katawan! Hindi ko din alam ang dahilan na kung bakit hanggang ngayon eh dalisay pa din ako… Charaught! Pinapangiti ko lang kayo.

Pero diba ang sarap balikan ang mga araw na nag sisimula palang tayo sa pag takbo. Nung YOUNG BLOOD palang tayo, yung araw na ang goal lang natin eh matapos ang sinalihan nating race hanggang sa nahilig na tayo dito at kinalaunan eh ginawa na natin itong bahagi ng ating buhay. Animo’y hangin lang sa bilis ng pagbabago ang naganap sa ating buhay kung ikukumpara ito noong nagsisimula palang tayong tumakbo. Naalala mo pa ba ang ebulusyon ng iyong damit na nag simula ka sa basketball short at white t-shirt, hanggang sa naging puke short at singlet na ito at dahil nag ka abs ka na eh minsan eh nag totopless ka pa. Naalala mo pa noon na may dala dala ka pang water jug kasi takot na takot kang mauhaw hanggang sa naging hydration belt ito na ngayon eh hindi ka na nag dadala ng inumin kasi kaya mo ng tumaggal ng 21KM ng walang hydration chos lang! Ang sayang alalahanin ng lahat diba.. kasing sarap ng unang pag tibok ng ating puso.

Wala naman akong nais pangaralan o patamaan sa lathalang ito. Nais ko lang balikan nating lahat ang unang araw na tumayo tayo sa Starting Line para mag abang sa Gun Start. Ang araw na wala tayong inisip kundi matapos ang karera ng payapa at ng walang injury. Yung araw na sobrang saya mo, dahil nakatawid ka sa Finish Line. Yung araw na masaya na tayo sa malamig na tubig bilang hydration. Yung araw na simple ang lahat. Yung araw na YOUNG BLOOD pa tayo.

Sa aking pagtatapos.. ( Naks may ending lang! wahahaha!) nais kong hanapin mo sa iyong baul ang unang letrato ng unang race na sinalihan mo at ikumpara mo ito sa huling larawan na nakuha mo sa iyong huling race na sinalihan. Sigurado akong madami kang makikitang pag babago. Sana sa mga pagbabagong makikita mo eh mapansin mo din ang buong pagkataong nahubog dahil sa iyong matiyagang pag tratraining at pagtakbo. Sana eh mas madaming positibong pagbabago ang naganap sa iyong pagkatao at sana maipagpasalamat natin sa May Kapal ang mga pagbabagong ito.

O sha baka kung saan pa tayo mapunta!

Namaste!

 
Leave a comment

Posted by on November 13, 2012 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: