RSS

I-Intercare mo yan!

09 Jan

Sakit sa Balikat.. Sakit sa Tuhod.. Sakit sa Paa… Ano mang sakit ang dinadaing ng katawan mo.. i-INTERCARE mo yan!

http://www.google.com.ph/imgres?num=10&hl=en&sa=G&tbo=d&biw=1920&bih=979&tbm=isch&tbnid=sm189vXPaC1SeM:&imgrefurl=http://www.myorthoteam.com/pain/shoulder&docid=b9ED1fmSbI_4GM&imgurl=http://www.myorthoteam.com/sites/default/files/images/news/Shoulder-Pain.jpg&w=1200&h=799&ei=67zsUOSjA63eigKfjIG4BQ&zoom=1
hindi saakin ang likod na ito. nakuha ko lang sa internet.

Well… napa-Boom! Tarat! Tarat! ako sa tuwa ng malaman kong may mga establishamento palang kagaya ng Intercare na papawi sa sakit na nararamdaman ng ating katawan… akala ko noon makukuha sa simpleng payelo-yelo o pag inom ng gamot ang solusyon… sinubukan ko ding uminom ng alak para makalimutan ang sakit na nararamdaman ng aking pusong nagmahal pero wala pa din itong epekto.. Charaught!

Noong Disyembre.. Ako’y mapalad na makaikot sa Intercare Makati Branch at doon eh nalaman ko ang iba’t ibang serbisyong ginagawa nila sa kanilang payak ngunit kaaya-ayang establishemento. Nandyan ang Acupuncture  Chiropractic, Instrument Assisted Soft Tissue Mobilization, Myotherapy, Rehabilitative Medicine, Sports Medecine, Stress Management, Pilates at Optogait Analysis. O ang dami diba.. Well hindi gaya ng ibang klinika ang Intercare eh WHOOLISTIC… o ulit… WHOOLISTIC ang approach sa bawat pasyente. Meaning… mapapa WHOO! ka sa sarap pag katapos ng isang session… chos! Pero sa seryosong usapan ang Intercare kasi eh hindi lang ginagamot ang sakit kundi ginagamot nito ang ugat ng iyong problema… Example… Wala kang ganang Kumain.. Hindi solusyon ang pag hahain ng mga paborito mong pag kain.. Kundi dapat matanggap mo na hindi ka na mahal ng Ex mo kaya mag MOVE – ON ka na bago ka pa magmukang Ampalaya.. Gets?! Ok Gets! Very Good…

Nasubukan ko ang Myotheraphy…

ang larawang ito ay mula kay http://singingdadotr.files.wordpress.com/

..na kung saan eh nadiskubre kong madami na pala akong pulupulupot na taba.. ay wait muscle pala na madaming taba.. chos!

Nasubukan ko din ang pagpapalagay ng ROCKTAPE

img_5792

ang larawang ito ay mula kay http://singingdadotr.files.wordpress.com/

ang TAPE na talagang ruma-ROCK sa Galing! bakit ko nasabi yun… well… in a chuckchackchenes na-correct ng bahagya ng Rocktape ang aking postura! napa WHOOO-LISTIC! nanaman ako sa bilib! Konting yuko.. konting haplos.. konting dikit! Boom! Gumanda ang postura ko..

Sa aking panandaliang pag bisita sa Intercare.. uwi akong may ngiti sa labi.. Bakit?! Maliban sa WHOOLISTIC na experience eh natutunan kong mas bigyang kalinga ang aking malaDyosang katawan. Sabi nga wag ng antaying lumala o may maramdaman kang sakit bago ka mag patingin sa experto. Unahan mo ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Intercare. Chos! Plugging talaga diba.. Pero shempre kung taga malayong lugar ka naman at may nais kang ikonsulta maari kang magtungo sa FB Page ng Intercare:

https://www.facebook.com/IntercareChiropractic

o kaya bisitahin mo ang..

https://www.facebook.com/RocktapePhilippines?fref=ts

o sha.. bago ka pa tuluyang mabaliw sa sakit.. Unahan mo na yan at i-Intercare na yan!

Namaste!

 
Leave a comment

Posted by on January 9, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: