RSS

Weeeh?! Makiuso ka na!

30 Apr

earth

Sa dinaranas ng ating Mother Earth hindi ba’t sapat lang na tumulong tayo para naman bumuti ang kanyang feeling.. Uso naman ang maging Green ngayon ah… Green Trunks… Green Mug… Green Minded… Green Peas… Green Lantern… lahat G-R-E-E-N na!

Earth Run

Naalala nyo pa ba to?! Well siguro naman sariwang sariwa pa sa bawat isa ang picture na ito na kinuhanan ng isang nilalang na hindi muna binuo ang istorya.. tipong kumuha lang ng isang bahagi sa buong pangyayari at ginawan ng ibang kwento upang lumabas na masama ang isang bagay.. Saklap diba… Well tapos naman na yun… Nag Moved on naman na siguro ang lahat dahil halos lagpas 3 Months na ang pangyayaring iyon…

Bilang RUNNER kailangan na talaga nating kumilos. Gaya ng unang araw na nag desisyon tayong gawing bahagi ang pagtakbo saating pangaraw araw na pamumuhay eh ngayon eh dapat ng umaksyon para sa ikasasaya ng ating Mother Earth!

Una na dyan ng pag gamit ng mga inuming maaring gamitin ng paulit ulit. Tama! eto yung pag dadala ng sarili nating lagyanan sa tuwing tatakbo tayo. Reusable ba!  Gaya ng mga EX nating rinerecycle ng iba! Labo diba! Ewan!

Alam kong nagtaasan na ang mga Race Fee! Alam kong nagmahalan na ang mga bilihin! At shempre alam ko namang alam na din ng lahat na.. Opo.. totoo po ang balibalita na nag MAHAL na din ako! Yeheee! ( Self Induced Kilig talaga!) Pero hindi hadlang ang kakulangan ng pera para makabili ng Hydration Belt! Bakit kamo?! eh puwes panoorin mo ang slide show sa ibaba!

 
Leave a comment

Posted by on April 30, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: