RSS

Oo Pati ako Apketado!

16 May

Comelec Halalan 2013

Bago ang lahat nais ko lamang ipaalam sa lahat na ang artikulong ito eh hango Iang sa sarili kong ideya at damdamin. Hindi ako binayaran upang panigan ang kahit na sinuman at hinding hindi ako pinilit para gawin ang lathalang ito. Bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit. Pakialamero lang po ako.

Siguro kung kukunin na ni Lord ang lahat ng BULLY sa bansang Pilipinas eh baka kakaunti nalang ang mga Pilipino sa mundo ngayon. Sapat na siguro ang bilang ng mga matitira upang magkaroon sila ng magandang buhay,  baka nga pati ako eh kunin na agad ni Lord habang ginagawa ko ang lathalang ito.

nancy

Nancy Binay sa Senado

Madami ang hindi natuwa sa pagpasok ni Nancy Binay sa Top 12 Senators sa naganap na Halalan noong Lunes. Well ako din naman hindi natuwa kasi alam kong mas madaming deserving sa pwestong uupuan nya. Pero hindi naman siguro dapat ito maging basehan para laitin ko ang istura nya, ang kanyang taleto o ang kanyang buong pagkatao.

Actually hindi naman bago ang mga kagaya ni Nancy Binay sa larangan ng ating Pamahalaan. Halos lahat naman ata ng mga nagPupulitiko saating bansa eh dumadan sa katakottakot na pang-BuBULLY ng mga kapwa nating Pilipino.

“Binay makapal ang mukha na tumakbo sa Senado!”

Yan naman ang kaganapan sa Pulitika ng Bansang Pilipinas eh… Basta may kapal ka ng mukha at shumoshowbiz ka siguradong magkakaroon ka ng pwesto. Tignan mo si President Noynoy.. Halos wala din naming nagawa nung nasaHouse of Representatives sha o kahit noong nasa House of Senate… Shumowbiz lang sa pagkakalink kay Liz Uy… Ayun we have a President sa pagkatao nya.

“Binay kulay Uling!”

Sabi nga sa kanta… “Tayo’y mga Pinoy! Tayo’y hindi Kano. Wag kang mahihiya kung ang kulay mo ay Tutong!” Sino ngayon ang Proud na Pilipino… Si Nancy Binay na hindi nag Gluta kahit madaming pera o ang mga taong astang mestiza na galing naman sa pagiging Ulikba?! Eh kung tutuusin yung mga kababayan natin na nakatapak lang sa US eh akala mo kung sino na silang matindi ang nilamang sa kapwa nila Pilipino.

“Binay ayaw dumebate dahil bobo!”

Grabe naman… Ayaw lang dumebate bobo na agad?! Hindi ba pwedeng shy lng or ayaw lang maubos ang brain cells! Kesa nga naman mahuli ng taong bayan ang kahinaan nya eh di mananahimik nalang sha… Actually Nice move nga ang hindi nya pagsali eh.. shempre weakness nya yun kaya di sha pupunta dun!

“Binay ginamit ang Apilyedo ng Ama para Manalo.”

Heller?! eh pag sinabing BINAY may recall na kasi agad yan.. hindi ka naman siguro tanga na magpakahirap pa para lang magkaroon ng branding diba?! So practical lang sha… Si President Noynoy.. Si Angara lahat sila eh ginamit ang Apilyedo ng Ama… Well uso kasi ang Political Dynasty sa Pilipinas.

Teka wala akong pinapanigan!

Teka bakit ko nga basha pinag tatanggol… Well hindi naman talaga ito pagtatanggol kundi isang pagyanig sa mga nanalong mambabatas na sana naman eh gawan na  ng pagbabago ang pagpili sa mga taong pwedeng kumandidato upang makapaglingkod sa Republika ng Pilipinas…

Sa mag nahalal, sa mga pinagkatiwalaan naming ng boto..  Ito na ang simula ng pagsingil naming sainyo. Wag nyo sana kaming biguin.

Sa mga galit sa ibang pulitiko. Tama na… Wala ng magagawa ang paggalitgalit natin… Ayan na.. may mga bumoto na sakanila.. Gawin nalang natin ang tama.

At para sa ating lahat. Nawa’y magsilbing aral satin ang lahat ng pangyayari. Maging mas responsible tayo sa mga ginagawa natin. Hindi yung bira ng bira…

To Nancy Binay, Naiintindihan kita.. lumaki akong tinutuksong maitim, gaya mo hindi din ako nakikita sa dilim, gaya mo, magmumuka din akong Nazareno pag nag suot n Maroon na Robe na ginagamit pag may Impeachment.  Pero saludo ako sayo dahil hindi mo sila inintindi at nanindigan ka. Di ka nagpatinag dahil nagtiwala ka nababack-up-an ka ng Tatay mo… Clap Clap Clap… Basta mag aral ka ng konting acting lesson gaya ni Senador Lito Lapid at Sen Bong Revilla ah. Para di mashadong mahalata na hindi mo alam ang nangyayari sa loob ng Senado… Isama mo na din si Grace Poe.. para may bestfriend ka..

Nwei yun lang..

Namaste!

 
2 Comments

Posted by on May 16, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , ,

2 responses to “Oo Pati ako Apketado!

  1. reyreygoaway

    May 16, 2013 at 5:55 pm

    her color is really not the issue. but her lack of experience and her refusal to join any debate together with her age and intelligence… those are legitimate, important issues which you should have addressed before she runs for a senate seat. i still cannot fathom the idea voting for her without really knowing her platform. di na pwede ngayon ang subukan muna kita, bigyan ng pagkakataon, dami na nga diyan na binigyan ng pagkakataon, sinubukan at napatunayang bobo, kurakot, magnanakaw, walang alam pero again and again panalo pa din. remember, you will be crafting laws (very important laws and debate and defend it on the senate floor) that will define the future of this country.

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: