RSS

So.. Na 2013!

22 Jul

images (2)

So… Na!
of
His feeling Excellency na pakialamerong si Ulikblog Runner
Resident of the Philippines
To the Running Congress of the Philippine Marathon 2013

[Delivered at the Refreshment Hall of the House of Laurel, Batya ng Pambansang Pilipinas, Quezon City, on 22 July , 2013]

Marami pong salamat. Maupo ho tayong lahat.

Presidente Benigno S. Aquino III; Bise Presidente Jejomar Binay; Senate President Franklin M. Drilon; Speaker Feliciano Belmonte Jr.; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at at ngayong Manila City Mayor Joseph Ejercito Estrada; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Senado, Kamara de Representante at Miyembro ng iba’t ibang running groups; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga miyembro ng Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar ,kapulisan at kagwardyahan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan:

Isang , magandang hapon po sa inyong lahat. [Applause]

Ito po ang aking ika apat na SO..NA; dalawa nalamang ang natitira at lalakad na. Halos apat na taon na nga po ang lumipas nang una akong nilapitan ng ilang mga gwapong nilalang upang hikayating tumakbo sa mga fun run. Ang sabi nila: Alam naming hindi ka papayat ng isang tulog lang; o kahit isang taon, o kahit pa sa habang buhay mong pagtakbo kung hindi mo aayusin ang pagkain mo. Pero simulan mo lang, at tiyak, kasama mo kami sa bawat fun run na sasalihan mo.

Noon pa man, mulat po ako sa tindi ng mga problemang aking kakaharapin. Mula sa pagiging ordinaryong runner, o pagiging marathoner , o kahit ba matapos ko ang BDM 160, hindi biro ang peligrong kakambal ng isports na ito. Malawakang transpormasyon ng sangkatauhan ang aking hangarin, at mulat akong marami akong kailangang banggain, itulak at patirin para matupad ito. Pero hindi po ako pinalaki ng aking mga magulang para tumiklop lamang sa mga hamon. Hindi ko mahaharap ang aking sarili kung tinanggihan ko ang pagkakataong bawasan ang pagdurusang hindi naman dapat dinaraanan ng mga mananakbong gumagawa ng tama. [Applause]

Isa-isahin po natin. Ang layuning palawakin ang saklaw ng mga Fun Run sa Pilipinas: natupad dahil sa Milo at sa iba pang Race Organizer na gumagawa ng race sa iba’t ibang lugar. Ang dinatnan nating karera lamang sa BGC noon eh lumago na at nagkaroon na ng iba’t ibang takbo sa iba’t ibang lugar gaya ng  sa Laguna, Quezon, Tugegarao, Batanes, Babuyan Group of Islands at sa iba’t ibang bahagi pa ng bansang Pilipinas. [Applause]

images

Sa mga mananakbong nakaheadset: Hindi ako tutol sa paggamit nito. Ngunit sana po ay alamin nyo ang pagiging responsable kapag kayo ay naka headset. Maging sensitibo dapat kayo sa inyong paligid at hindi lamang nakatoon ang tenga at isipan sa musikang inyong pinapakinggan. [Applause with little shouting]

images (1)

Sa mga mananakbong di naliligo bago ang race: Maging sensitibo naman sana kayo sa inyong mga amoy! Alam ko na mahirap ang maligo lalo na kung ang tubig eh sobrang lamig. Ngunit ang lahat ng ito’y nasososolusyunan. Maari kang magising ng maaga upang makapagpainit ng tubig, o kaya bumili ka ng heater ng sa gayon ay hindi ka na makadagdag sa pollusyon sa Metro Manila.

tumblr_lxv5h6JIYB1qk1sg4o1_500

Sa mga mananakbong topless: Hindi porke’t may abs ka eh pwede ka ng magpakita at magtatakbo ng nakatopless dyan. Maging sensitibo naman sana sa mga taong makakakita sayo. Oo hindi ito ipinagbabawal pero hello naman! As if may gustong makakita nyanShempre exempted yung mga mukang model ah… ay wait… MUKANG MODEL.. alam mo yun yung MUKA mo eh pang model hindi yung Feeling mo eh model ka. Mag kaiba yun

Mag tulungan po tayo para sa payapa at matiwasay at masayang Fun Run.

At sa lahat ng mga gumigising ng maaga at sa mga nagtutulug-tulugan, sa mga mulat na may muta sa mga nagbubulag-bulagan, sa mga kumalampag sa mga nagbibingi-bingihan: SO..NA po ninyo ito. [Applause]

Mahaba pa ang ating lalakbayin maari itong 42KM o 160 KM , at hindi natin kailanman sinabing madali o walang mga hadlang sa landas na ito. Subalit wala akong duda sa kakayahan nating lampasan ang anumang barikada, ano mang init o ano mang daan ang dapat tahakin. Hindi tsamba ang mga tagumpay na tinatamasa natin ngayon; huwag tayong papayag na maging panandalian lamang ang transpormasyon. Samantalahin natin ang pagkakataon upang gawing permanente ang pagbabago.

Ito po ang aking ikaapat na SO..NA. Noong ako’y musmos pa lamang, ang mga Chicken Joy ang aking lakas; nang ako’y matutong umibig at hanggang ngayon, sa aking pagkapangulo, nariyan ang sambayanan—Pilipinas, kayo ang aking lakas. [Applause] Sa patuloy nating pag-aambagan at pananalig sa kapwa at sa Maykapal, sinasabi ko po sa inyo: Kayo pa rin ang sisigurong magpapatuloy ang ating nasimulan; kayo ang sisigurong mabubura na nang tuluyan ang mga mukha ng katiwalian; kayo ang sisigurong hinding-hindi na tayo muling lilihis sa tuwid na daan. Ikaw! Ako! Tayo! Tayo ang gagawa ng pagbabago!

Sinabi po sa akin dati: Ulikbang Baboy, simulan mo lang at sinimulan nga po natin, at ngayon, kitang-kita na ang layo ng ating narating. Ngayon, Pilipino, ituloy natin ang pagkakapit-bisig, sabay nating arugain, pabilisin, at palawakin ang transpormasyon ng lipunan. Ako po si Ulikblog Runner; ipinagmamalaki ko sa buong mundo: Pilipino ako. At talagang napakasarap maging Pilipino sa panahong ito.

Maraming salamat po. [Applause]

 
4 Comments

Posted by on July 22, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

4 responses to “So.. Na 2013!

  1. ultratoel

    July 22, 2013 at 8:57 pm

    Ulikbang Baboy este Ulikblog Runner, ako natuwa sa iyong So…NA. tama ka, mukhang mahaba at malayo pa ang iyong lalakbayahin. dalawang beses mo nabanggit ang BDM160. para bagang ito’y isang pagbabadya… ^-^

     
    • ultratoel

      July 22, 2013 at 8:58 pm

      *ako’y

       
  2. ultratoel

    July 22, 2013 at 9:11 pm

    Ulikbang Baboy este Ulikblog Runner, ako’y labis na natuwa sa iyong So…NA. tama ka, mukhang mahaba at malayo pa ang iyong lalakbayahin. dalawang beses mo nabanggit ang BDM160. para bagang ito’y isang pagbabadya… ^-^

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: