RSS

Ako si “Kuya”

06 Aug

kuya

ika – 5 ng Agost 2013, Pilippines – Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at kung ano ano naman ang naisip kong isulat… well iba ito sa nakasanayan dahil usapang “AKO” mismo ito… alam mo yun… parang shumoshowbiz lang ang peg… o Game na!

Matapos ang aking mahabang araw sa opisina, dali dali kong kinuha ang aking sasakyan at sinundo ang aking “ATE”. Naipangako ko kasi sakanya na gagayahin namin ang bagong Mc Do Commercial. Matapos ang aking date kasama ang aking “ATE” umuwi na kami sa bahay at tulad ng madalas na nangyayari sa hapagkainan eh nag karoon nanaman ako ng oras upang makipag kamustahan sa aking Ama.. hindi tungkol sa trabaho ang usapan ngayong gabi kundi ang planong, “Pagbili ng bagong Laptop ng bunso kong kapatid”

Pero bago ang lahat ng drama magbalik tanaw muna tayo sa nakalipas…

Ang Nakaraan: Noong Marso, buwan ng aking kapanganakan humiling ang aking bunsong kapatid sa aming mga magulang ng bagong laptop dahil ang laptop daw na ginagamit nya ngayon eh madalas ng mag hang.. (heller panong hindi maghahang, nanonood ng video sa YouTube, habang nag fafacebook at tumbler, tapos naka play pa ang Windows Media Player at sinabayan pa ng pagdodownload ng mga reading materials nya) heller sa pagaabuso ba naman nya di ba mag hahang talaga yun! nwei basta ang sabi nya eh bibili sha ng bagong laptop kaya pumayag naman ang aking Ama’t Ina… walang ano mang malalim na interogasyon eh binigyan na agad sha ng budget… pag dating sa Mall ang laptop na mas kailangan nya eh naging Ipad.

Ang Kasalukuyan:

Ama: Sira na daw yung touchpad ng laptop ng kapatid mo. Kaya kinuha nya muna yung ginagamit ko.

Ako: Ahh, kaya pala pinauwi nya yung laptop nya. Sinabi ko naman sakanya noon na mas praktikal na bumili ng laptop kesa sa Ipad kaso di naman sha nakinig. So anong gusto nya ngayon? 

Ama: Eh kung kailangan nya ng laptop eh di bibilihan nalang. ( O diba bili agad! )

AkoHuh?! Bakit bibilihan nanaman?! Saating lahat sha ang may pinakabagong laptop, pero pininaka madaming beses ng pinareformat. Tapos sabi nya bibili sha ng laptop noon pero Ipad naman ang binili. Tapos ngayon bibilihan nyo na ng bagong laptop?!

Ama: Eh kailangan nya eh. Saka nag aaral sha.

At shempre nag karoon nanaman ng mala-teleseryng tagpo sa hapag kainan. Teleseryeng ang dating eh ako nanaman ang dakilang Kontra bida sa lahat. Pumasok nalang ako sa kwarto ko. Binuksan ang aking laptop, nag-google ng mga bagay bagay hanggang sa nakita ko ang artikulong ITO. tapos hindi pa ako nakuntento at nabasa ko pa ITO.

Eh ayun naman pala. Kaya naman pala napaka – Competitive ko sa Grad School  ngayon, kaya naman pala mas gusto kong wala sa bahay palagi, kaya naman pala nahilig ako sa pagtakbo, kaya naman pala ako ganito.

Hindi ko naman sinasabing sang ayon ako sa lahat ng nakasulat sa 2 artikulong nabasa ko  o baka naman kasi  nasa in Denial Stage palang ako ng pagtanggap na may Middle Children Syndrome nga ako. Eh well wala lang… nashare ko lang ang “konting” buhay ko sainyo.

Namaste!

 
1 Comment

Posted by on August 6, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

One response to “Ako si “Kuya”

  1. kamoterunner

    August 6, 2013 at 12:44 am

    middle child din ako. amen!

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: