RSS

Lulusot ka pa eh!

03 Sep

O walang pikunan dito ah! Kung natamaan ka sa mga sinulat ko eh pasensya di ka nakaiwas. GV.. GV.. lang!

cheaters

Alam kong pasong paso na ang usaping ito. Nakakakalungkot mang isipin.. pero hindi na bago sa larangan ng pagtakbo ang mga kagaya ni Rosie Ruiz na nag shoshortcut sa routa, si Rob Sloan na sumasakay sa Bus para matapos ang Race at shempre si Janet Napoles na ipagtatanggol ang mga kaibigan kahit mali na ang ginagawa nila.

Actually may mga local versions tayo nyan… Si Runner KP na sa International Marathon pa nag U-Turn ng mali, si Runner GK na sa Milo Marathon naman sumakay at shempre yung bagong Member ng Team Cheater na nag papicture pa sa Finish Line! Pak na Pak! Di talaga tayo papahuli kahit saan!

Pero heller ano nga ba ang dahilan nila at naisipan nilang gawin yun?! Well may kanya kanya naman silang Press Release nung mga panahong nasangkot sila sa ganitong iskandalo… Gaya ni Runner KP na ang sabi eh, ” hindi ko alam na malayo pa ang tamang U-turn Slot!”  Heller?! Liliko ka nalang kung san gusto mo?! kaya nga may race map diba?! para ifamiliarize ang sarili sa Race Route. Eh ang dami pa namang sumupport sakanya dahil Running for a Chever Advocacy pa naman sha mandadaya lang pala. Che!

Sabi naman ni Runner GK sumakit daw ang tummy nya kaya sha sumakay ng bus at sabi naman ni Runner NA eh may sakit daw sha… eh pwes ang tanong ko lang,Bakit kinuha nyo pa din ang FINISHERS Medal?” ang linaw linaw naman na  ang FINISHERS medal/trophy ay para sa F-I-N-I-S-H-E-R-S ! 

I mean kahit balibaliktarin mo man ang lahat, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo eh hindi mo pa din majujustify ang ginawa nilang pandaraya.  Nakakahiya sa mga taong nag train ng mabuti para matapos ang race, nakakahiya sa team mo na sumuporta at sinamahan kang paghandaan ang race na ito, nakakahiya sa mga Race Organizer na pinagisipang mabuti ang routa at nagtiwala sa mga sasali na walang mandaraya at higit sa lahat nakakahiya sa pamilya mo na dala dala mo ang apelyido… or baka naman wala na talaga silang HIYA!

Ang masangkot sa ganitong issue lalo na sa running community eh parang si Janet Napoles na nasangkot sa isang National Issue! Nakakahiya! Buti nga at si Runner KP at Runner GK ay wala pang Running Team nun… at least sila lang ang sinemiusig ng taong bayan… eh pano na si Runner NA na naka Team Uniform pa?! Tsk tsk tsk.. Kawawa naman at pati ang uniform at ang buong team nila eh nadungisan. Ilan kaya sakanila ang taas noo pang isususot ang siglet na yun matapos ang ganitong istorya.

Hindi naman sa nanghuhusga pero may matinding dahilan pa ba para makalusot ka sa maling gawain?! Ang saklap isipin,  na ang iba eh halos mamatayan ng kuko matapos lang ng malinis ang race. Ang saklap na ang iba eh umitim na ng todo makapag training lang, ang saklap na yung iba eh nagsolisit pa para may pang register, ang saklap na gagastos ka para sa sarili mong support tapos malalaman mong may tao na mang dudugas lang?! SHET! Sakit sa Bangs men! Sakit sa Bangs!

Ang akin lang naman eh kailangan sigurong maibalik na sa ayos ang Larangan ng Ultra Running. Wag naman kasi gawing halos buwan buwan ang 50KM Race… Dati rati T2N lang ngayon may L2Q, T2K, M2M, G2G, B2B, at B2C! Chos! Imbento ko lang yung iba dun! Pero seriously… Sino ang makakapag train ng maayos kung buwan buwan kang may pa-Ultra?! eh diba kung aaralin natin ng mabuti… ang Ultra Running eh may sarili ng Market yan. At yang market na yan ang sasali sa mga Race mo. Sabagay baka naman kasi naniniwala sila sa kasabihang “Strike while the iron is hot.” eh kung ganun nga eh hindi na ako mag tataka kung next year eh lahat ay Ultra Marathoner na dahil sa pandaraya… o baka naman wala ng sumali dahil lahat injured na. Nananawagan akong isaayos na ang mga Ultra Event na yan! Yung tpong parang BDM ang peg na inaabangan kasi isang beses lang sa isang taon nagaganap! (naks! chumachammy! )

Para naman sa may mga Running Team! Guys sana hindi lang kayo nabuo dahil gusto nyo. Parang Pamilya yan eh. Kayo dapat ang maghubog sa isa’t isa upang maging mabuti at responsableng mananakbo. Alagaan nyo ang isa’t isa, maging mag kakaka – kapatid kayo sa bawat miyembro nyo. Eh kung tutuusin nga… sino sino ba ang mga Running Team na dapat tularan sa buong community?! Shempre nandyan ang Senior ng lahat na ang Team Boring, nandyan din ang Team Kamote, Isama mo pa ang Team Six30 ang Team USB at shempre ang Snail Runners Alabang ( Kaway kaway lang pag may time! ) o wag naman mag tampo kung hindi ko nabanggit ang team nyo… Pero seriously… Maging pamilya kayo… Kung kailangang disiplinahin para matutuo eh gawin nyo… kasi sa huli yung grupo nyo ang rinerepresent ng bawat isa.

O sha sige na. Mukang di ko nanaman napigilan ang aking damdamin…

Namaste!

 
2 Comments

Posted by on September 3, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , ,

2 responses to “Lulusot ka pa eh!

  1. deemenrunner

    September 4, 2013 at 5:18 am

    Runner NA from Team Cheater FTW! Binalik na kaya nya ang medal at trophy nya?

     
  2. run unltd.

    September 4, 2013 at 10:10 am

    Panalo ka, Banjo!

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: