RSS

Ang akin lang naman: Copycat!

21 Oct

Bago tayo magsimula nais ko lang ipaalala sainyo na ang inyong mababasa eh base lamang sa aking sariling pananaliksik para sa ikagaganda ng bansang Pilipinas.Kung magdulot man ito ng gulto, pagkalito sa iyong tunay na pagkatao, pagkamulat ng iyong mata sa katotohanang lagay ng bansang Pilipinas eh binabati kita ngayon palang… ibig sabihin may Brain Cells ka pang gumagana! Bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit, ang Pikon eh inaapi lalo ng mga tao! #chos #feeling

download

I-bet karamihan saatin ay nakakadaupang palad na ang mga Pinsan ni Hello Kitty, Pinsan ni Winnie the Pooh, o Pinsan ng kung sino mang sikat na Cartoon Character! eto yung mga karaniwang natatanggap o ibinibigay na regalo pag may birthday, binyag, kasal, o pag may umaakyat ng ligaw. Yung ka hugis ng tootong Character pero may sablay palagi, madalas yung Mata, minsan naman yung Ilong. Yung iba tinatawag itong Copy Cat… pwede din namang Class A, Triple A… o Imitation… basta hindi ito yung Original.

Gaya ng mga Pinsan, di maiiwasan lalo na sa Pilipinas ang mga gumagaya. Pero bakit ganun?! Tamad na ba tayong magisip upang makagawa ng matatawag nating sariling atin?! Tignan mo si Mark Joseph Solis, naturingang iskolar ng Bayan! Ayun nilagay sa kahihiyan ang buong Bansa shempre pati na ang mga taga-UP.

Nakakahiya diba?! Kailangan pa bang ipahiya ka muna ng iba pra umamin na hindi ikaw ang orihinal na gumawa?! Kialangan pa bang mahuli ka muna bago mo pagsisihan ang lahat?! Well ganyan ata tayong mga pinoy… hanggat hindi nahuhuli hindi aamin at kung nahuli idedeny pa din…

Ang akin lang naman eh… sana naman matuto tayong gumalang. Alam nyo bang napakahirap magisip ng Original na Konsepto.  Ang magisip ng original sa pasiklab para maging iba ka sa karaniwan, yung magisip ng sarili mong pakulo para bumenta.

Hindi ko naman sinasabing bawal gumaya pero sana naman eh matuto tayo ng ibalik sa Original na nag isip ng Konsepto ang Parangal. Wag nating agawin ang Ningning na dapat sa nagisip. Wag na nating antayin na mag kademandahan, magkahulihan o magkaroon ng away.

Sabi nga ni Sharon, Mas mabuti pang maging isang Bituing walang Ningning… kesa sa pagsisihan mo ang lahat sa huli…

Wala naman akong nais ibulgar o ipahiya… Ang akin lang naman… eh wag mong angkinin ang hindi totoong iyo. Bow.

Namaste!

 
1 Comment

Posted by on October 21, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , ,

One response to “Ang akin lang naman: Copycat!

  1. Roland

    October 22, 2013 at 10:50 am

    well said Banjo!

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: