RSS

Gaga Girl o Bobo Boy ka ba?!

02 Dec

Oh ‘cmon DOH! Seriously?!

Well well well mag alas dose at hindi ako makatulog hanggat hindi ko nailalabas ang saloobin ko sa Music Video ng DOH! Nwei sino nga naman ako para mag comment diba… pero seriously… dali panoorin mo para makarelate ka..

Dear DOH,

Napakaganda ng adhikain niyong kontrolin ang Teen Age Pregnancy, ako din naman ay hindi sang ayon dito pero mukang sumobra ata ang budget ng inyong ahensya sa taong 2014 kaya naisipang niyong gumawa nito.

Una sa lahat ang labo ng music video. Simulan natin sa unang notang maririnig habang kinakanta ng malapasexing boses ng babe ang katagang “Gaga Girl” na animoy may hagod pa ng konting libog sa dulo sabay sagot naman ng lalaking boses na “Bobo Boy!” kung teen age pregnancy ang issue na nais nyong mapigilan eh bakit parang kasalukuyang nag Sesex ang mga kumanta nito?!

Ikalawa, ang mga suot ng cheer leaders! Pak na Pak! Kita pusod. Bakat na skinny pants Mini skirt.. Anovah?! At sila talaga ang nag interpret ng kanta?! Para nyo namang kinuha si Janet Napoles upang magpayo sa lahat na maging honest  dapat! DIba?!

Ikatlo, Anong henerasyon ba ang nais niyong makinig sa musikang ito?! Hello yung term ata na “Wag isuko ang bandila” eh sa panahon pa ng lola ko?! ( na nasa langit na) Seriously?! pano magegets ng kabataan yung mga ganung term! Ang mga kabataan ngayon eh mas bukas na ang isipan sa ganyang uspan di na natin kailangang gamitan ng Flowers, Bees, Suko ng Bandila.. kasi mas malilito lang sila!

Ikaapat. Ang labo talaga!!!! Pati yung mga steps! Wow ah! swak na swak sa tugtog! Eh tinalo pa ang video ni Nicki Minaj ng Anaconda eh! Tapos talon talon ng kita panty?! Grrr!! Totoo?! Hay DOH! Yung totoo?! Napagisipan to?!

Madami pa eh! As in madami pa! Sana sa ibang paraan nyo nalang inilaan ang budget na ginamit nyo sa pag gawa ng Music Video na to. Kikita din naman kayo kahit sa ibang paraan pero wag naman sa ganyang ang laki ng disconnet! Well sabi nga ng kanta nyo… “May isip na ako, Cool Chillax lang kayo. Kung madapa ako. Babangon! ”

Oh well Ang tindi ng pagkadapa nyo kaya dali na bumangon na! at Isip Isip muna ah!

Namaste!

 
Leave a comment

Posted by on December 2, 2014 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: