RSS

Dictionary of Ulikblog Runner

Dito tayo sabay sabay magaaral ng iba’t ibang klase ng salita na maaari nating gamitin sa pangaraw araw nating pamumuhay!

  • Malantod ( Muh- Lhan -Thud )

Tagalog. Kumbinasyon ng Tatlong Salita. Ito ay isang paglalarawan sa isang MAtandang ( edad 25 pataas) maLANdi na para namang ToOd. Ito eh yung klase ng tao na Lumalandi sa Iba pero pag nag kasubuan na eh umaantras bigla. Inshort MALANTOD.

Halimbawa:

Huwag maiinlove sa taong malantod kasi masasaktan ka lang.

  • Charaught ( Shhh- Arrr -Roow – th )

Ingles. Salitang ginagamit sa mga bagay bagay na sa tingin mo ay sadyang kathang isip lamang. 

Halimbawa:

Ramon: Hindi ko talaga alam yang sinasabi mo. Virgin pa talaga ako.

Luis:     Charaught! 

  • Gulasya ( Goo – Lah – Sya ) Maragsa.

Salitang tambalan. Mula sa salitang Gulat at Masaya.

  • Kere-kere ( Queh – rhe – Queh – rhe )

Pandiwa. Ito ang mahiyaing version ng Salitang Kerengkeng. Kung ang kerengkeng eh hayagan ang Kere-Kere ay pasimple lang. 

Halimbawa: Kinere-kere ko ang ka-date ko kagabi.

  • Exclusive ( EKS – CLUE – SHIVE )

Pangalan/ Pang-uri. Ito’y isang  uri ng pagtitipon ng mga sikat, kagalang galang, mga taong kabilang sa Alta de siyudad ng lipunan at shempre ang mga taong masasaya, walang pait, at shempre walang kalungkutan. In short… GOOD VIBES party to… Kaya pag nakadalo ka sa isang EKS – CLUE – SHIVE party… bukas makalawa eh madaming magaampalaya sa buhay mo!! Gets?!

Halimbawa: Naiinggit si Leroy sa EKS – CLUE – SHIVE party na dinaluhan ni Rolex.

  • Mess ( Mhe – hee – zzz )

Pangalan. Ito ay ang isisinigaw para pansinin ka ng Waitress sa sosyal na Kainan. Madalas mo itong marinig sa mga babae/lalaking edad 20 – 45 na may kailangan sa waitress sa isang Restaurant.

Halimbawa: Mess! Mess! Can I have a glass please?!

  • Brazilian ( Brah – zill – yahn )

Ito ay  istilo ng pagpapaganda sa pamamagitan ng pagtanggal o pagkalbo ng buhok sa buong katawan. Except shempre yung buhok sa Ulo. Ang pagpapabrazilian ay maaring maghatid sayo ng ligaya, swetre sa pagibig, kasikatan sa buhay at tagumpay sa mga Karera.  

Halimbawa: Mahilig magpaBrazilian ang mga nagwawagi sa Race.

  • Lulure ( Lhoo – Lhoore )

Pandiwa. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa iyong sinisinta. Maari itong ipadama sa pamamagitan ng paghaplos, paghalik o kahit na anong uri ng skin to skin contact. 

Halimbawa: Ang Lulure nyo naman sa isa’t isa.

  • Kadyot ( khad – yot )

Uri ng pagpupursige upang mapatunayan na totoo at desidio ka sa iyong ginagawa. Kadalasan itong isinasabay sa Kerengkeng para sa maganda mauwi ang lahat. Sa inggles ito’y follow through…

Halimbawa: Magaling Kumerengkeng at Kumadyot si Alberto kaya lahat ay napapaibig nya.

  • Mamita Pose

Uri ng pag pose sa harap ng Kamera na ginagawa upang makita ang tunay mong ganda. Maari itong gawin ng isang kamay o dalawang kamay para sa matinding super beautiful effect. 

Halimbawa: Mamita Pose!

  • Annannoy ( Ann – nnah – noy )

Expression. Ito’y salitang ginagamit upang iparamdam ang matinding emosyon… maaring pagkagulat… pagkainis… o pagkamangha sa nakita, narinig o nadama. Imbes na mag kumento eh sasabihin mo nalang ang salitang ito.

Halimbawa:  Katulong: Kuya, nasunog ko po yung paborito mong polo!

Me:  ANNNNNNNNAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNNOOOOOOOOOOOYYYYYYYYYYY! ( saka ka magalit! ) wahahaha

  • Kukurikapu ( Khu- khu- ree- kah – poo )

Pangalan. Tawag sa libag na karaniwang makikita sa singit sa ilalm ng dibdib.

Halimbawa:  Sa laki ng hinaharap ni Juanita naipon na ang kukurikapu.

  • Kay Cher ( K – Shrrr )

Pangalan. Lugar kung saan pwedeng magbawad ng pinamili. Dito ka madalas pumila kung may mga bagay kang nais bilihin. 

Halimbawa:  Excuse me po san po ba ang Kay Cher dito?!

  • Kumekerengkeng (Kuh – meh – keh -rrreng – kheng )

Pandiwa. Ito ang hayagang paglalandi sa ibang tao kahit mayroon ng lovelife. Kapatid ito ng pamamangka sa dalawa o higit pa sa isang ilog. May Binabagayan din ang salitang ito.

Halimbawa: Kumekerengkeng nanaman si Xerix sa bago nyang nakilala.

  • Hardtuget ( Harr – two – ghet)

(mula sa kagalang galang na si Eman ng emanvictor.wordpress.com)pangalan. Gawain ng isang taong umiibig sakanyang iniibig upang lumabas ang tunay na intensyon sa isa’t isa. Ito’y ginagawa lamang kung ikaw ay may agam agam o mga tanong na hindi pa nasasagot. Ito’y para sa mga taong may dugong bughaw o  yung mga taong kalevel ng mga dugong bughaw. 

Isang Paalala tumingin muna sa salamin bago mag pa HARDTUGET kasi ito’y may binabagayan. 

Halimbawa:  Si  Kate ay nagpa Hardtuget muna bago sinagot si William.

  • Chumami ( Tsu – Muh – Mi )

(mula sa kagalang galang na si Eman ng emanvictor.wordpress.com) pangalan. Isang uri ng pangyayari na ang buong sangkatauhan ay CHUMACHAMMY saiyo eto yung tipong hindi mo talaga kinakaya ang pagCHUMMY nila sayo. Nakakabaliw na medyo nakakaaliw. Pwede ding ang matinding pag CHUMMY kay MOMMY.  

Halimbawa:  Simula ng nabago ang buhay ni Madel nagkaroon na din ng CHUMAMI sa kanyang buhay.

  • Tumatalandi (Two-mah-tuh-lhan-dhi)

pangalan. Ito ang tawag sa Matandang Babae/Lalaki na mahilig lumandi. Karaniwang suot eh yung sobrang fitted na animo’y may shortage ng tela sa Pilipinas. Inshort lumalandi pa kahit matanda na.

Halimbawa:       Si Madam Tingting ay tumatalandi nanaman sa waiter.

  • Aplaya ( Ahp – plah – yah ) (Ang bibig ay dapat bukaka)

pang-uri. Ito’y isang uri ng kulay ng buhok na hindi maintindihan kung  nagpahigh-layts  sa Salon/Parlor  o kinulayan lang nya magisa ang buhok nya gamit ang Agua Oxinada pero sa totoo eh resulta lang ito ng matinding pagkababad sa ilalim ng araw kaya’t kumupas ang tunay na kulay ng kanyang buhok. Kadalasan itong makikita sa mga batang babad sa tubig at sumisisid ng pera at minsan sa mga kababayan nating nagkakalkal ng mga nakakalat sa daan. 

Halimbawa:     Tuwangtuwa si Isabella sa mala-Aplaya nyang buhok.

  • Labnat ( Lhab – nhat)

pangalan. Isang uri ng sakit ng katamaran sa pagtakbo at magkaroon ng lakas ng loob makipag date sa iba. Ginagamit din ito para makaiwas sa mga tropang mananakbo at bigyang buhay ang love life.

Halimbawa:   1.    Banjo: Wag nyo kalimutan bukas ah! may training tayo!

Drew Ranches: di ako pwede, may LABnat ako…

2.   Julito Jojo Pauly: guys, uwi na ako inaapoy ako ng LABnat.

  • Exotic (eks – hot -ik )

pang-uri. Ito’y uri ng tao na kabilang sa grupo ng mga Ulikba na kinababaliwan ng mga Mestizo/Mestiza.

Halimbawa: Gustong gusto ni Malen Andrada Domingo ang mga kagaya ni Xerxis Tan na EXOTIC ang dating.

  • Nega-Chummy (Neh- gah (hinga ng konti) Cha – mi ) (ibang breed ng Chammy)

(mula sa kagalang galang na si Eman ng emanvictor.wordpress.com) pandiwa. Masamang Version ng Salitang Chummy. Kung ang Chummy ay maganda ang intention ang salitang ito ay hindi kumbaga may maitim na balak sayo ang taong chumachammy kaya ka nya chinachummy.

  • Bearr (Bhearr) (ang bibig ay dapat hindi halos nabuka)

(mula sa Ingliserong si Paolo)  pangalan. Ito’y isang uri ng panglasa na epekto ng mataggal na pagkababad ng coffee beans sa tubig. Madalas itong matitikman sa Unlimited Coffee sa mga fast food chains na patok na patok sa mga Council of Elders.

Halimbawa:   Bakit ganito ang kape nila mashadong bearr.

  • Chammy ( Cha – mi ) ( salitang ugat )

(mula sa kagalang galang na si Eman ng emanvictor.wordpress.com) – pandiwa. Salitang ginagamit patungkol sa mga taong nagpapakita sayo ng matinding pagkabilib, pagkatuwa o kahit anong matinding papuri na nadarama o nais sabihin sa isang kapuripuring tao. Madalas itong ginagawa ng mga taong nais humingi sayo ng pabor o ng race kits o ng invite sa mga events. In other words eh sipsip.

Chumachammy (Tsu – Mah – Cha – Mi ) – Sumisipsip 

Halimbawa:    Madalas chumammy si Yaya kay Mommy. (Madalas sumipsip si Yaya kay Mommy.)                                                                                                                                                         

  • Tweeps (  Thwu-eeps )

(salita mula kay Lenz) – pangalan. Ito’y pinagsamang TWITTER at REPA PIPS! Ginagamit ito bilang tawag sa mga Tropa o mga followers mo sa Twitter…

Halimbawa:     Hello mga Tweeps!

 

25 responses to “Dictionary of Ulikblog Runner

  1. lenz

    April 29, 2011 at 2:03 am

    hahaha…o di ba? at least nakacontribute na ko sa blog mo🙂

     
    • ulikblogrunner

      April 29, 2011 at 2:59 am

      ikaw ang may akda! mahusay ang iyong nagawang salita! ( ha ha ha chumachammy lang ako ha ha ha )

       
  2. charltoninho

    April 29, 2011 at 3:12 am

    ang original na pnakachammy ay nasa australia na my friend. doon siya nagkakalat ng kachammyhan sa buhay haha

     
    • ulikblogrunner

      April 29, 2011 at 5:59 am

      tama! kaso ibang level ng chammy yun! ha ha ha

       
  3. bangge

    April 29, 2011 at 7:34 am

    lol! now i know! yun pala yun….hehehe. nice one ulikbloger!

     
    • ulikblogrunner

      April 29, 2011 at 11:23 am

      he he he! ayan may mga bagong salita ka ng pwedeng gamitin! salamat sa pagbisita Ms. Bangge!

       
  4. rainier

    May 1, 2011 at 11:59 am

    hahaha and it’s official. kalat na ang word na chammy.

     
    • ulikblogrunner

      May 1, 2011 at 8:38 pm

      ha ha ha tama! nako dapat ikaw din maging contributor ko…

       
  5. malen

    May 1, 2011 at 9:57 pm

    nice blog banj may mga new termz na pwd ng gamitin…ah ibig sabihin pala chuma-chammy ako sau ngaun..hehehe..

     
    • ulikblogrunner

      May 2, 2011 at 7:58 am

      ha ha ha oo tama ka dyan! chumachammy! he he he

       
  6. malen

    May 4, 2011 at 9:43 pm

    hehehe di naman masydo banjdingdong pero honest maganda ito ha promise 🙂

     
  7. vidavids

    May 11, 2011 at 4:21 pm

    🙂

    so like BAnj! ahahaha

    super funny yung tumatalandi…

    san mo napapagpupulot ang mga ito?!

     
    • ulikblogrunner

      May 12, 2011 at 10:36 am

      wahahah… rineresearch ko ito! minsan nasa tulay ako natutulog para makakuha ng magandang salita tulad ng Aplaya… minsan naman sa Mamahaling Hotel para madiskubre ang salitang Bearr…

      miss you!

       
  8. mamita

    June 28, 2011 at 4:16 pm

    mamita pose ever!

     
  9. blueknight16

    June 28, 2011 at 7:18 pm

    ayos ito banjodingdong kakatawa promise…galing…uuuy chuma chummy ako…pero promise kakaaliw super duper to the mqx natatawa ako at amaze sa mga bagong salita at may example pa ha…. 😉

     
  10. Larry Hightree

    January 20, 2012 at 8:38 am

    I respect your work , appreciate it for all the good posts .

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: